Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Pinas top 19 na sa world COVID tally

0 290

Patuloy ang pagtaas ng Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa tala ng John Hopkins University.

Nitong Miyerkoles ay naitala ang 329,637 kabuuang kaso sa bansa, naungusan na ang 329,138 ng Turkey para ika-19 pwesto sa may pinakamaraming kaso ng nasabing sakit.

Malapit na rin ang numero ng ‘Pinas sa Italy na may 333,940.

Samantala, lumampas na sa 36 milyon ang dami ng mga taong nadapuan ng COVID-19 sa buong mundo.

1,053,357 naman ang nasawi habang 25,117,417 ang gumaling mula sa coronavirus. (Riley Cea)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.