Una sa Balita

‘Pinas nalugi sa bangayan sa pork — Duterte

0 311

By Aileen Taliping

Hindi man direktang sinisi ang Kongreso, ang matagal na pagpasa sa 2019 national budget ang idinahilan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbagal ng ekonomiya ngayong 2019.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa miting de avance sa Davao City nitong Biyernes nang gabi na apektado ang mga programa ng gobyerno dahil sa kawalan ng budget.

Kinakailangan aniyang mag-adjust sa paggastos ang gobyerno dahil nag-away away ang mga kongresista at mga senador sa 2019 national budget kaya’t walang ibang paraan kundi gumamit ng reenacted budget ng ilang buwan.

“There’s an adjustment with our budget because our economy went down a little because of underspending, and that was the budget that the Lower House, Congressmen and Senators fought about,” anang Pangulo.

Bumaba aniya ang Gross Domestic Product (GDP) at nalugi ang gobyerno ng tinatayang bilyong­ piso dahil hindi naipasa ng mga mambabatas sa takdang panahon ang 2019 national budget.

Vineto aniya nito ang ilang bahagi ng pambansang budget dahil ito ang ilan sa pinag-awayan­ ng mga mambabatas.

“We lost a lot, maybe around billions. If there are no transactions, money will not circulate. The projects of the congressmen were delayed because I vetoed the budget,” dagdag ng Pangulo.

Pero tiniyak ni Pangulong Duterte sa samba­yanan na sa sandaling mayroon ng pera ang gobyerno ay titiyakin nito na magiging pantay-pantay ang distribusyon nito sa bawat rehiyon ng bansa.

“It is really difficult. That is why when I have the money, I’ll decide how to distribute it. But I’d like to assure everybody that all throughout the Philippines, the money will be divided by regions and equally as needed. As equally as needed,” wika pa ng Pangulo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy