Una sa Balita

‘Pinas nakiramay sa pagpanaw ni ex-UN secretary general Kofi Annan

By
0 106

Nakiisa ang gobyerno ng Pilipinas sa international community sa pagdadalamhati dahil sa pagpanaw ni da­ting United Nations (UN) Secretary General Kofi Annan.

“We are saddened by the demise of former United Nations Secretary-General Kofi Annan,” ayon kay Presidential Spokesperson ­Harry Roque.

Ayon kay Roque, gumawa ng kasaysayan si Annan dahil siya ang una at tanging black African na namuno sa UN, at sa kanyang makataong trabaho ay nakamit niya ang pinakamataas na Nobel Peace Prize.

Abante Hiring – IT dep

Nabatid na si Annan, isang statesman, diplomat, peacemaker at da­ting Nobel Peace Prize Laureate, ay namayapa noong Sabado sa Bern, Switzerland sa edad 80.

Si Annan ay isang Ghanaian national, at nag­retiro sa Geneva matapos na magsilbi ng dalawang termino bilang UN secretary general.

Sinabi pa ni Roque na nawalan ang mundo, hindi lamang ng isang diplomat at peacekee­per, kundi ng isang huma­nitarian na walang ka­paguran na naglingkod sa sandaigdigan.

Kay Annan rin nanggaling ang kawikaan na “Knowledge is power. Information is libera­ting. Education is the pre­mise of progress, in every socie­ty, in every family.”

Sinabi naman ni ­Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, na si Annan ay maalala sa Pilipinas sa kanyang inisiya­tibo na kanyang pinala­ganap tulad ng UN Glo­bal Compact, Millennium Summit, Global Fund, at UN reform na makatutulong ngayon para maia­yos ang pandaigdigang kapaligiran.