Una sa Balita

‘Pinas nagprotesta sa mga tambay na barko ng China sa WPS

0 338

Naghain na ng diplomatic protest ang gobyerno laban sa mga barko ng China na naka-standby sa Pag-asa island, isa sa mga teritoryong pinag-aagawan sa South China Sea o West Philippine Sea.

Sa harap na rin ito ng ulat na maraming barko ng China ang umiikot sa nabanggit na isla at nagi­ging dahilan ito kaya hindi makalapit at makapa­ngisda ang mga Pinoy.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na batay sa abiso ng Western Command, nakapaghain na ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs.

Gayunman, hindi masabi ng kalihim kung kailan ito inihain ng DFA sa China.

“Anything that concerns the security of the Phi­lippines will always be a concern. I understand we have already issued a diplomatic protest, per the western Command. The DFA has already made the diplomatic protest, all the so called vessels being stationed there.,” ani Panelo.

Nilinaw naman ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na mangingisda lamang nila ang nag-iikot malapit sa Pag-asa island at hindi sila armado.

Subalit sa iyung 600 barko ang nakapalibot sa isla, sinabi ni Zhao na kailangan pa itong maberipika.

Idinagdag pa ni Zhao na itinanggi na rin ng mga awtoridad ng Pilipinas ang ulat ng isang senatorial candidate na hinaharass ng China ang mangingisdang Pinoy sa Panatag Shoal.

Si Zhao ay nakipagkita kahapon kay Panelo sa Malacañang. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy