Una sa Balita

‘Pinas, nagbayad ng $12.9 million sa Miss U Org.!

By
0 196

Inamin ni LCS Group President and former Ilocos Gov. Luis “Chavit” Singson na muntik na raw hindi matuloy ang pagtanghal ng Miss Universe sa ating bansa.

Pero tuloy na nga ito at nagkaroon na ng pormal na launch kamakailan.

“There was a time na kinansela. Ako hindi pwedeng kanselahan kasi bayad kami, fully paid, and we signed a contract. It was a breach of contract,” diin pa ni Singson na ang binayad nila ay higit na $12.9 million to host the pageant.

Ayon pa kay Singson, ang Miss Universe Organization ay walang problema sa pag-host ng Pilipinas. ‘Yung nga owners daw ang gustong mag-backout.

“Ang mga may-ari kasi ay mga Jew,” diin pa niya.

Ang Miss Universe Organization ay pag-aari ng WME-IMG.

Noong ikumpara raw ni President Rodrigo Duterte ang kanyang sarili kay Adolf Hitler, na-offend daw ang mga Jews.

Nag-apologize naman si President Duterte sa Jewish community sa ating bansa. Kaya ang Jewish community na ang nag-convince sa Miss Universe owners na ituloy na sa bansa ang competition.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More