Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Pinas may Delta community transmission na – PGC

0 182

Naniniwala ang Philippine Genome Center (PGC) na mayroon nang nagaganap na community transmission ng Delta variant sa iba’t ibang panig ng bansa.

“Para sa amin sa Philippine Genome Center, mayroon ng community transmission ng Delta variant sa bansa. Marami nang kaso na hindi alam kung saan nagmula,” ayon kay PGC Executive Director Dr. Cynthia Saloma.

“Sa aking palagay, may kinalaman ang Delta variant sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19,” dagdag ni Saloma.

Maging si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ay sang-ayon sa pahayag ni Saloma base sa samples at resulta mula sa PGC na mayroon nang community transmission ng Delta variant.

“Mukhang ‘yan po talaga ang pinapakita na that community transmission is there,” ani Vergeire.

Sinabi ni Vergeire na mula pa noong umpisa ay tinatrato na nilang mayroon community transmission ng Delta variant.

Gayunman, sinabi ni Vergeire na kinakailangan pa nang sapat na ebidensiya para opisyal na makapag seklara.

Nabatid na ayon sa OCTA Research Group, ang Delta variant na nagmula sa India ay nanatiling banta sa bansa sa kabila ng detection ng Lambda variant na mula naman sa Peru. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.