Una sa Balita

‘Pinas magpapadala ng tulong sa Japan

0 460

MAGPAPADALA ng tulong ang Pilipinas sa mga survivor ng super typhoon Hagibis sa Japan, ayon sa Malacañang.

Sa isang radio interview, sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na aktibo ang Pilipinas sa pagtulong sa mga bansang sinalanta ng kalamidad

“I think that is a given. Every time na merong bansa na nangangailangan ng tulong, lahat ng mga bansa naman nagbibigay ng saklolo nila,” ani ni Panelo.

Inatasan na aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Foreign Affairs na makipagtulungan sa Japanese foreign ministry para sa posibleng tulong ng gobyerno sa mga biktima ng bagyo.

Tinatayang 80 katao ang namatay at marami pa ang nawawala matapos hamba­lusin ng bagyong Hagibis ang Japan noong nakaraang linggo. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy