Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Pinas low risk na sa COVID – DOH

0 259

Isinailalim na ng Department of Health (DOH) sa low risk classification sa COVID-19 ang buong bansa dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng tinatamaan ng nakamamatay na virus.

Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, nakapagtala ang bansa ng negative growth rate sa loob ng dalawang linggo dahil na rin sa unti-unting pagbagal ng hawaan ng virus.

Samantala, bagamat nabawasan ang peligro ng hawaan ng COVID-19 sa Pilipinas, may ilang rehiyon pa rin aniya sa bansa na nananatili sa moderate risk at kabilang dito ang Metro Manila, Mimaropa, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley at Zamboanga Peninsula.

Dahil dito kung kaya’t ang mga kamang ginagamit sa mga intensive care unit sa mga ospital sa mga apektadong lugar ay nananatili rin sa moderate level tulad ng Cagayan Valley na may utilization rate na 88%; Zamboanga Peninsula, 71%; at Bicol Region na may 71% hanggang noong Oktubre 23.

Ang mga lugar naman na may moderate hanggang high risk level sa kanilang ICU utilization rate ay ang CAR, Region 1,2, 4B at 9.

Nilinaw naman ni Vergeire na hindi pa maaa¬ring ideklara ng pamahalaan na ang COVID-19 ay nasa endemic stage na at kinakailangan muna itong pag-aralang mabuti lalo na at madalas na mag-mutate ang COVID-19.

Samantala, umaasa ang OCTA Research Team na bababa sa 1,000 hanggang 2,000 ang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa pagsapit ng Disyembre. (Mia Billones/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.