Una sa Balita

‘Pinas ligtas pa rin sa coronavirus — DOH

0 343

NANANATILING ligtas sa coronavirus ang Pilipinas, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

Tiniyak ito ni Duque sa kabila na may isang 5 taong gulang na batang lalaki mula sa China ang iniimbestigahan dahil sa posibilidad ng pagkakaroon ng novel coronavirus.

Sinabi ng kalihim, isolated ngayon ang bata sa isang pasilidad sa Cebu at gumaling na ito at may kaunting ubo na lamang.

Habang ang nanay naman ng bata ay hindi naman nakitaan ng sintomas ng sakit at negatibo rin sa virus matapos ang ginawang pagsusuri sa kanya.

Sanhi nito, may posibilidad pa rin na hindi novel corona virus ang tumama sa bata.

Sa ngayon hinihintay pa rin nila ang resulta ng pagsusuri ng laboratoryo sa Australia sa throat sample ng nasabing pasyente.

Nabatid na sinuri na rin ng Research Institute for Tropical Medicine ang sample ng nasabing pasyente at nag negatibo naman ito sa Merscov o Sars, gayunmam positibo ito sa non specific pancorona virus.

Samantala, tiniyak naman ni Duque na ang mga doktor at nurse na sumuri sa bata ay isolated rin bilang bahagi ng protocol.

Sa kasalukuyan, hindi pa rin daw kailangan ang backtracking sa mga nakasalamuha ng bata dahil hindi pa naman kumpirmado kung mayroon itong 2019 ncov. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More