Una sa Balita

‘Pinas isinangla ng ₱3.6B sa China

By
0 30,410

IBINUNYAG nina Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at Bayan Muna chairman Neri Colmenares na masyadong dehado ang Pilipinas sa pinasok na 20-taong loan agreement sa pagitan ng China kung saan bukod sa mataas na interest ay puwede rin nilang bakuran ang mga patrimonial property kapag hindi nakabayad ng utang.

Napasakamay ng Bayan Muna ang kopya ng mga dokumento sa loan agreement para sa Chico River Pump Irrigation Project.

Ayon kay Colmenares, sobrang ­pabor sa China ang kasunduan.

“It is a disaster for the Philippines,” pahayag ni Colmenares.

“Worse, this PhP3.6 billion loan may just be one of the many secret loan agreements between the Philippines and China which could run in the billions,” dagdag nito.

Ang nasabing kasunduan ay nilagdaan noong Abril 10, 2018 nina China Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary Zhaojian Hua para sa panig ng Export-Import Bank of China at ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III bilang kinatawan naman ng gobyerno ng Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Colmenares na nakasaad sa kontrata na may taunang interes na 2% para sa US$62.086 million loan (PhP3.2 billion sa kasalukuyang exchange rates pero nagkakahalaga ng Php3.6 billion sa ilalim ng Section 1.8 ng Agreement) at dagdag na taunang “Commitment Fee” na .3% (Sec. 2.6) at “Management Fee” na .3% o US$186,260 (Sec. 2.5).

Mistulang diniktahan din umano ng China ang nakasapin sa batas pagdating sa budget dahil iginigiit na ang pagbabayad sa utang ay dapat awtomatikong nakapaloob sa ­General ­Appropriations Law na sinasaklawan na umano ang kapangyarihan ng Kongreso pagdating sa pagdedesisyon sa dapat na nilalaman ng taunang pambansang pondo.

Bukod sa libre na sa buwis at mataas na interes ay inoobliga rin na ang contractor dapat ay Chinese company.

Ibinabala nito na dahil Chinese ang contractor, siguradong puro manggagawang Intsik ang ieempleyo kaya lalong dadami ang tsekwa sa Pilipinas at maraming Pinoy ang masasapawan ng trabaho.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy