Una sa Balita

‘Pinas ibinida ni Digong sa Boao Forum

By
0 5,426

BINUKSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pintuan ng Pilipinas para sa mga negosyante at mga mamumuhunang handang magtayo ng negos­yo sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa Boao Forum for Asia sa Hainan, China, sinabi ng Pangulo na handa ang Pi­lipinas para sa mga bansa sa Asya na nais makipagkaibigan at makipagtulungan.

“Let me say it again: The Philippines’ destiny is in Asia. The Philippine is ready to work with all nations in the region who seek friendship and cooperation,” pagdidiin ng Pangulo.

Unti-unti na aniyang nagkakaroon ng katuparan ang pangarap ng mga Filipino na pag-unlad at maayos na pamumuhay.

Ibinida ng Pangulo­ sa mga dumalong state lea­der sa forum na maganda na ang peace and order situation sa bansa pati na ang kampan­ya laban sa katiwalian.

“We have made considerable headway: We have improved the peace and order situation; we have sustained the battle against corruption; and we are strengthening the policy framework for business to thrive,” sabi ng Pangulo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy