Una sa Balita

‘Pinas hindi nagpapa-bully sa US sa De Lima isyu

0 392

UMALMA ang Malacañang sa panibagong resolusyon ng US Congress na humihiling kay United States President Donald Trump na parusahan ang mga opisyal ng Pilipinas na nagpakulong kay Senador Leila de Lima.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nakakadismaya ang paggigiit ng ilang US senator, batay sa US Senate Resolution 142 para parusahan ang mga opisyal ng gobyerno na may kinalaman sa pagkakulong ng senadora.

Malinaw aniya na nakikialam ang Amerika sa mga panloob na usapin ng Pilipinas gayong hindi naman kolonya ng Estados Unidos ang bansa.

“The Palace expresses its disappointment over US Senate Resolution 142 calling upon the US President to impose sanctions on Philippine government officials purportedly behind the arrest and detention of Senator de Lima. Such actions are brazen and intrusive to the dignity of an independent, democratic and sovereign state such as ours,” ani Panelo.

Iginiit ng kalihim na mali ang nakakarating na impormasyon sa ilang US senators na posibleng kagagawan ng mga kalaban at kritiko ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni Panelo na makailang beses ng inihayag ng gobyerno na dumaan sa tamang proseso ang pagsasampa ng kaso kay De Lima at hindi ito isang uri ng panggigipit sa mga kritiko ng Pangulo.

“While the Philippine government continues to respect the US Senate as an institution, the palace finds the posture and conviction of its prejudiced members misguided, as the same are anchored on an erroneous premise culled from bogus narratives of President Duterte’s usual antagonists,” dagdag pa ni Panelo.

Umaasa ang palasyo na mas bukas ang isip at paniniwala ng mga opisyal sa ehekutibo ng Amerika at kinikilala at nirerespeto ng mga ito ang soberenya at diplomasya ng Pilipinas, batay sa mga tunay na impormasyon patungkol sa kaso ni De Lima. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More