Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Pinas hindi mauubusan ng nars – Malakanyang

0 171

Tiniyak ng Malacañang na hindi mauubusan ng medical health workers ang bansa kahit pa pinayagan na para magtrabaho sa abroad ang mga Filipino health professional.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na bago nagbigay ng go signal si Pangulong Rodrigo Duterte para alisin ang deployment ban sa health professionals ay inalam muna nito sa Department of Health (DOH) kung may sapat bang health professionals sa bansa.

Positibo aniya ang naging tugon ng DOH at tiniyak na hindi mauubusan ang Pilipinas dahil marami ang mga medical professionals sa bansa.

“Nakipag-ugnayan muna ang Pangulo kay Secretary Duque para masigurado na sapat ang nurses sa ating bayan, at nagkaroon naman po ng kasiguraduhan ang DOH na sapat ang ating health professionals dito sa Pilipinas,” ani Roque.

Kabilang sa mga pinayagang makapag-trabaho sa abroad ay nurses, nursing aides at nursing assistance. (Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.