Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Pinas handa ba sa tumataas na namang kaso ng Covid-19?

0 402

Sa pagsapit ng Bagong Taong 2022 ay mataas na kaso ng Covid-19 ang isa sa sumalubong sa Pilipinas at maging sa iba pang mga bansa sa buong mundo mga Kabalitaktakan.

Bagamat hindi kasing tindi ng Delta variant…mas mabilis namang makahawa ang Omicron variant ng Covid-19 kaya biglang dami rin ang naitalang kaso nito sa nakalipas lamang na ilang linggo.

Sa Estados Unidos, umabot mga Kabalitaktakan sa daan-daang libo katao ang naitalang tinamaan ng Omicron sa loob lamang ng isang araw.

Maging sa ibat-ibang mga bansa sa Europa, napa-ulat ang mabilis na pagkalat ng Omicron variant mula nang maitala ang unang kaso nito.

Ang isa sa malaking katanungan mga Kabalitaktakan na kailangan ng malinaw at agarang kasagutan ay: “handa ba ang Pilipinas sa Omicron variant”?

Anu-ano ba ang dapat gawin agad ng pamahalaan para maiwasan ang pagkalat ng Omicron ngayong kumpirmadong nakapasok na sa bansa ang nasabing variant ng Covid-19 mga Kabalitaktakan?

Kung ang mga “health expert” ang tatanungin mga Kabalitaktakan…kabilang sa mga unang dapat ginawa ng pamahalaan ay ang pagpapatupad ng “border control”.

Sa pamamagitan nito, malilimitahan kundi man tuluyang mapipigilan ang pagpasok ng Omicron variant sa Pilipinas dahil mahihinto ang pagpasok ng mga dayuhan at maging mga kababayan natin lalu na yung mga magmumula sa mga bansang apektado ng nasabing virus.

Subalit dahil nakapasok na ng Pilipinas ang Omicron…marapat lamang na bilisan ng gobyerno ang pagsasagawa ng testing, tracing at maramihang pagba-bakuna.

Ayon sa “health advocate” na si Dr Tony Leachon mga Kabalitaktakan, mas kailangang palakasin ng pamahalaan ang testing, tracing at pagba-bakuna sa mamamayan para mapigilan ang mabilis na pagkalat ng Omicron.

Mungkahi ni Dr Leachon na madaliin ang pagbibigay ng “booster shot” sa mga nabigyan na ng 2-doses ng bakuna para mas maging protektado ang mga ito laban sa Omicron variant.

Ipursige rin aniya dapat ng gobyerno ang paghikayat sa mga hindi pa bakunado na magpa-bakuna dahil lumitaw sa datos na karamihan sa na-o-ospital ngayon ay yung mga hindi pa “vaccinated” mga Kabalitaktakan.

Nais din ni Dr Leachon na gawin dito sa Pilipinas ang ginagawa sa Amerika at iba pang mga bansang may mataas na kaso ng Omicron…

ito yung paglalagay ng mga “mobile clinic” na kumpleto sa mga gamit sa pagba-bakuna at “testing” para mas mapalapit ito sa mamamayan at lalung ma-engganyo ang mga ito na magpa-bakuna.

Isa rin aniya itong paraan mga Kabalitaktakan para maiwasan ang pagiging “crowded” ng mga lugar na pinagdarausan ng “vaccination” na na-uuwi sa pagiging “super spreader” ng naturang aktibidad.

Panawagan din ni Dr Leachon sa pamahalaan na huwag lang basta panatilihin sa kani-kanilang bahay o pagbawalang lumabas ang mga hindi bakunado…

at sa halip, hikayatin at bigyan ng alternatibo ang mga ito na magpa-bakuna dahil posibleng gutom naman ang ikamatay ng mga ito kung ikukulong o i-a-isolate lang sa kani-kanilang mga tahanan.

Para sa akin mga Kabalitaktakan, mas marapat lang na gawin natin bilang indibidwal ang lahat ng nararapat para matulungan ang gobyerno na maresolba ang problemang dulot ng pandemya.

Marapat din lang na isa-isip ng bawat isa mga Kabalitaktakan na laban ng lahat at hindi lamang ng pamahalaan ang pagsugpo sa Covid-19!

Hanggang dito na lang mga Kabalitaktakan. Staysafe, GOD Bless and love you all.

Leave A Reply

Your email address will not be published.