Una sa Balita

‘Pinas gabi-gabing pinagdadasal ni Duterte

0 272

HINDI para sa sarili, kundi para sa bansa ang laman ng dasal ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ng Presidente sa kanyang interview sa ‘Unang Hirit’ ng GMA-7.

Ayon sa Presidente, tuwing gabi bago ma­tulog ay nagdadasal ito para sa kaayusan ng bansa.

Wala na aniya siyang hinihingi pa para sa kanyang sarili, at ang mahalaga sa kanya ay ang kapakanan ng mga Pilipino.

“For my country, wala na akong hinihingi para sa akin,” anang Pangulo.

Matatandaang isa sa adhikain ni Pangulong Duterte ay magkaroon ng kapa­yapaan sa bansa at maalis ang talamak na problema sa illegal na droga.(Aileen Tali­ping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy