Una sa Balita

‘Pinas burado na sa Top 5 deadliest countries sa mamamahayag

0 537

BURADO na ngayon sa talaan ang Pilipinas bilang Top 5 deadliest countries para sa mga media.

Sa taunang report na inilabas ng media freedom organization na Reporters Without Bor­ders, ang mga bansang Afghanistan, Syria, Mexi­co, India at America na ngayon ang kabilang sa Top 5 deadliest countries at hindi na kabilang ang Pilipinas.

Ang pagkakatanggal ng bansa sa listahan ay dahil sa tatlo na lamang ang naitalang media killing ngayong taon.

Ayon naman sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), ang pagkakaalis ng Pilipinas sa Top 5 deadliest countries ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng task force na matupad ang mandato nitong protektahan ang buhay, kalayaan at seguridad ng mga media worker.

Ibinida naman ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang nasabing ulat at malaking tulong aniya ang positibing bali­ta hinggil na rin sa pagbuo ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Presidential Taskforce on Media Security sa bisa ng inilabas nitong Administrative Order Number 1.

Kasabay nito ay tiniyak ni Andanar na magpapatuloy ang pamahalaan sa pangangalaga sa kaligtasan at karapatan ng mga mamamahayag sa bansa na nalalagay sa alanganin ang buhay dahil sa kanilang trabaho.

Siniguro rin nitong gagawin ng Administrasyong Duterte ang lahat para hindi na muling masali pa sa listahan ang Pilipinas sa Top 5 na mga bansang pinakadelikado sa mga mamamahayag.