Una sa Balita

Pinas aangkat ng 300,000 tonelada ng bigas

0 308

Inirekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pag-angkat ng 300,000 metriko tonelada ng bigas para matiyak ang supply ng bigas sa bansa habang hinaharap ang krisis na dulot ng coronavirus disease 2019.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles na ang rekomendasyon ay batay sa mungkahi ng Department of Agriculture para masigurong hindi kapusin ng supply ng bigas ang bansa sa panahong umiiral ang enhanced community quarantine.

Ang aangkating bigas aniya ay sa pamamagitan ng government-to- government transaction na pangangasiwaan ng Philippine International Trading Corporation (PITC).

Mahalaga aniyang mayroong contingency measure ang gobyerno para hindi maubusan ang supply ng bigas ang bansa.

“The IATF recommends to the Office of the President the proposal of the D.A. to import a total of 300,000 metric tons of rice for contingency purposes,” ani Nograles.

Muling nanawagan ang kalihim sa mga nagpapatupad ng checkpoint at mga LGU na hayaang magtuloy-tuloy ang daloy ng mga kargamento partikular ang agiculture at food products para hindi magkaproblema sa supply ng mga pagkain sa Luzon.

Samantala, nangako naman ang Vietnam na patuloy nilang tutuparin ang pangako na mag-export ng bigas sa Pilipinas sa kabila ng kanilang hakbang na bawasan ang pagbebenta ng bigas sa ibang bansa upang makasigurong may sapat silang supply sa panahon ng COVID pandemic.

“The President has called iyong counterpart po niya sa Vietnam at siniguro pong iyong kontrata na, andoon iyong import clearances e irerespeto nila iyon,” wika ni Agriculture Secretary William Dar.

“Huwag po tayong mangamba po. Marami pang sources,”dagdag ng kalihim sa pagsasabing maaari naman tayong makabili ng bigas sa Myanmar, India at China.(Aileen Taliping)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More