Una sa Balita

‘Pinas aangat sa ‘Global Innovation Index’ — Salceda

0 334

Positibo si Albay Rep. Joey Salceda na magtutuloy-tuloy at lalo pang bibilis ang pag-angat ng Pilipinas sa ‘Global Innovation Index’ (GII).

Resulta umano ito ng mga pagsusumikap ng Department of Science and Technology (DOST) at mga suportang batas mula sa Kongreso.

Thumbs up sa DOST si Salceda sa pag-a­ngat ng Pilipinas sa ika-73 ranggo ng GII ngayong taon mula sa pang-54 noong 2018 sa pangkalahatang 179 bansang kasali.

Sa pamantayan ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), dapat mayroon man lang 380 researchers, scientists and engineers (RSE) ang nagsisimulang lumagong mga bansa kada mil­yong mamamayan, at ang gastos nito para sa research and development ay dapat isang porsiyento (1%) man lang ng Gross Domestic Pro­duct (GDP).

Sa report ng DOST, lumalaki ang porsiyento ng naturang gastos ng bansa sa ilalim ng RA 11035 na umakit ng 14 na ‘Balik Scientists’ sa unang dalawang buwan ngayong taon na maaa­ring sa 70-80 bago matapos ang 2016 na mahigit sa 60 nilang target.

Ang mga ‘Balik Scientists’ ay mga ekspertong Pinoy RSE na nagtatrabaho at nakatira sa ibang bansa. Sila’y kinokontrata ng pamahalaan na bumalik sa bansa at ibahagi at ibuhos ang kanilang mga kaa­laman sa mga larangan ng kalusugan, agrikultura, mga yamang dagat at ilog, enerhiya at mga umuusbong na bagong teknolohiya.

Bukod sa ‘Balik Scientist’ at ‘Science for Change Program (S4CP)’ na naglala­yong palaguin ang makasiyensiyang pagkamalikhain at imbensyon, at pa­nanaliksik kaugnay sa pagpapasulong ng lipunan, inakda rin ni Salceda ang iba’t ibang pa­nukalang batas sa siyensiya at teknolohiya. Kasama rito ang paglikha ng Philippine Space Agency na naghihintay na lamang na mabigyan ng kaukulang opisyal na bilang nito. Kasama rin siyang may-akda ng panukalang ‘National Innovation Act’.

Kasama rin sa mga bill ni Salceda ang ‘Comprehensive Nuclear Re­gulation Act’ (HB 8733) na magtatatag ng komprehensibong ‘nuclear regulatory policy framework’ at lilikha sa Philippine Nuclear Regulatory Commission (PNRC).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy