Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Pinas 8 lang patay sa COVID

0 134

Nasa 8 lamang ang namatay na naitala ng Department of Health (DOH) kahapon sa may 176 iniulat na nasawi sa sakit hanggang kahapon ng alas-4:00 ng hapon sa bansa.

Nilinaw ng DOH na sa 176 COVID-19 deaths na iniulat nitong Huwebes ng hapon pero walo lamang o 5% ang binawian ng buhay ngayong buwang ito.

Sa DOH case bulletin #635,nasa 49,936 ang total COVID-19 deaths sa Pilipinas.

Sinabi ng DOH, 12 o 7% sa mga naturang COVID-19 deaths ay naganap noon pang Nobyembre 2021; 60% o 34% naman noong Oktubre 2021; 68% o 39% noong Setyembre 2021 (39%); at walo naman o 5% noong Agosto 2021.

May anim rin o 3% na nasawi noong Hulyo 2021; dalawa o 1% noong Hunyo 2021; isa o 1% noong Mayo 2021; apat o 2% noong Abril, 2021; at isa o 1% noong Marso 2021. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.