Una sa Balita

‘Pinas 31st pa rin sa world rankings

By
0 660

NANATILI ang Team Pilipinas sa ika-31 puwesto sa buong mundo kahit na muli itong nakatuntong sa ikalawang sunod na pagkakataon sa kada apat na taong FIBA Basketball World Cup 2019 na isasagawa nga­yong Agosto 31 hanggang Setyembre 15 sa China.

Inihayag ng FIBA ang pinaka­bagong World Ranking for Men matapos ang February window na nagkumpleto sa qualifiers na maglalaban sa FIBA Basketball World Cup 2019.

Ang pinakabagong edisyon ng ranking ang magsisilbing basehan para madetermina ang seeding at grupo para sa gaganapin na draw ng pinakaunang gaganapin na 32-koponang World Cup.

Ang top seed ay ang tournament hosts na China habang ang pitong best ranked qualified team ay ang USA, Spain, France, Serbia, Argentina, Lithuania at Greece.

Ang kumpletong proseso sa draw ay ibabase sa ranking at geographical principles, at ihahayag isang linggo bago ang susunod na mala­king aktibidad patungo sa inaaba­ngan na Road to China 2019.

Nanatili ang Top 9 na bansa habang ang Russia ang nagkumpleto sa Top 10. Ang pag-angat ng Russia ay bagsak sa Australia Boomers na nahulog sa ika-11 matapos mahati ang huling dalawa nitong laro sa Asian qualifiers.

Ang FIBA World Ranking Men ay nakatakda pang i-update matapos makumpleto ang FIBA Basketball World Cup 2019 sa Agosto 31 hanggang Setyembre 15.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy