Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinapak ng insekto! Baby tinapon sa kanal

0 50

NATAGPUAN ng mga residente sa Davao City ang isang bagong silang sa sanggol na babae na iniwan sa kanal ng isang barangay.

Sinabi ni Terso Mercado, chief operations ng Panacan Volunteers Responders Search and Rescue, na natagpuan ang sanggol sa Barangay Panacan. Wala itong damit, may sugat sa bibig, dumudugo ang nguso at namumula ang noo sa kagat ng insekto.

Ayon sa City Social Welfare and Development Office, nangitim ang sanggol na posibleng mula sa kagat ng insekto.

Sa ngayon, ayon sa CSWDO ay under recovery na ang sanggol at nasa kanilang pangangalaga.

Patuloy namang inaalam kung sino ang salarin at ang ina ng sanggol. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.