Una sa Balita

Pinapabagal daw ni VP Leni ang pag-usad ng kaso? Fake news!

By
0 1,628

Usap-usapan nga­yon ang recount para sa Vice Presidential elections na inihain ng dating senador na si Mr. Bongbong Marcos.

Mano-manong bibilangin ang mga boto mula sa tatlong probinsya: Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Nai-pull-out na ang mga ballot boxes mula sa Camarines Sur at nasa kamay na ng Supreme Court na siya ring tata­yong Presidential Electoral Tribunal (PET) sa kasong ito.

Pero naririnig natin ngayon paulit-ulit mula sa kampo ng mga Marcos na sadyang pinababagal daw ng panig ni VP Leni Robredo ang pag-usad ng kaso. Nakakaloka, ‘di ba?

“Eh kami nga ang humihiling na madaliin ang recount eh, pero siya, si Mr. Marcos ang nagde-delay,” sabi nga ni Atty. Romulo Macalintal sa isang interview sa Radyo Singko. Siya ang pangunahing abogado ni VP Leni sa kasong ito.
Kung iisipin natin, bakit naman gugustu­hing patagalin ang ganitong debate, lalo pa’t kung maraming trabahong hinaharap?

“Ako naman gusto kong mag-focus sa trabaho kasi parang iyong kaso pinapaasikaso na sa mga abogado. Confident naman tayo na ‘pag nasunod at kinonsider lahat ng ebidensiya, wala namang kailangan ipag-worry. Naniniwala pa din tayo na magiging unbiased naman, kailangan paniwalaan natin iyon.”

Kaya hindi kapani-paniwala ang sinasabi ni Mr. Marcos na pinatatagal ng kampo ni VP Leni ang pag-usad. Kung tutuusin, sila ang laging may dahilan para pahabain ang proseso.

“Kung ano-anong issue ang nilalabas niya na diumano, mayroon siyang mga ebidensiya ng dayaan. Na iyon daw mga balota, nang magkaroon daw ng printing of ballots, iba daw ang lumalabas – mga ­images. Iyon ay malaking kasinungalingan.”

Totoo naman, panay ang hain ng motion ni Mr. Marcos na minsan mapapaisip ka kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari. Hindi ba kung sigurado kang may punto ang reklamo mo, buong tapang mo itong haharapin at sisiguradu­hing matapos agad?

Parang iyong sinabi ni Atty. Macalintal, “Kaya palagay ko, natatakot, nangangamba ang kampo ni Mr. Marcos sapagkat alam niya na walang patutunguhan ang kaniyang protesta.”

“Kaya gumagawa siya ng ganitong ingay at magagamit niya ito sa kaniyang political propaganda sa 2019 elections na kung saan tatakbo siyang as senator,” dagdag niya.

Huwag kayong ma­ngamba, dahil sabi nga ni Atty. Beng Sardillo, isa sa mga abogado ng ating Bise Presidente, walang kailangang ikatakot sa nalalapit na recount sa tatlong probinsya.

“Malaki po talaga ang lamang ni Vice President Robredo dito sa tatlong probinsya. Una po, ang Camarines Sur, hindi lang po basta Bicolana si Vice President Robredo, taga-Camarines Sur talaga iyon. Tagaroon talaga siya, so hindi ko po alam bakit nagtataka si Ginoong Marcos kung bakit malaki ang boto na natanggap ni Vice President Robredo sa Camarines Sur,” aniya.

“Pangalawa po, ang Iloilo at Negros Oriental ay tradisyonal na balwarte naman po ng Liberal Party. At alam natin ito noong nakaraang eleksyon.”

Sa kabila ng protesta, patuloy ang trabaho ni VP Leni. Abala sa pagtulong sa mga pamilyang apektado nang pagputok ng bulkang Mayon, sa rehabilitation efforts sa Marawi, at pagbibigay-tulong pangkabuhayan sa mga kababayan na­ting nasa laylayan sa ilalim ng programang Angat Buhay.