Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinang-aakit bikining sampay: Dalaga pinadampot ng kapitbahay na misis

0 10

Para akitin ang mister ng kapitbahay, isinasampay ng 23-anyos na dalaga ang kanyang underwear gaya ng ‘thong’ o ‘gstring’ panties sa labas ng kanilang tahanan.

Sa inis naman ng misis na si Yuvitza E. ay inireklamo nito sa mga pulis sa Quintana Roo, Mexico ang nagse-seduce na dalagang kapitbahay.

Sa reklamo ng umano’y masungit na 42-anyos na misis, hindi na aniya sumusunod ang dalaga sa “good morals and decency.”

Sa reklamo ng misis sa mga pulis, hindi na umano nagkakataon kundi talagang sinasadya ng dalagang `manlandi’ kung saan kinukusot nito ang kanyang ‘thongs’ sa tanghali at pagsapit ng Sabado ay isinasampay dahil alam nitong nasa bahay at sumusulyap ang mister ng selosang misis.

Nagdesisyon na umanong magreklamo si Yuvitza nang ilang beses niyang maispatan ang esposong tila nag-iimagine din na nakatitig sa panty ng dalaga.

Imbes aniyang komprontahin, nagpasaklolo na lang si Yuvitza sa mga pulis at hiniling na damputin ang target dahil sa pagiging imoral umano nito.

Sa presinto ay tumanggi naman ang kapulisan na posasan ang dalaga dahil wala naman umano itong ginagawang illegal. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.