Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinalit sa alak: 10 lumaklak ng sanitizer dedo

0 343

Patay ang 10 katao na uminom umano ng alcohol-based hand sanitizer sa Prakasam district, Andhra Pradesh ng bansang India.

Sa tatlong magkakasunod na araw simula Miyerkoles, napaulat ang pagkamatay ng 10 katao, na may edad 25 hanggang 65.

Ayon sa pahayag ng pulisya, uminom ng sanitizer ang mga biktima dahil wala nang mabiling alak sa mga tindahan kasunod ng pinatutupad na lockdown upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa pagsusuri ng mga awtoridad sa kinolektang mga bote ng sanitizer, lumalabas sa inisyal na result ana lahat ng mga biktima ay uminom ng pure sanitizer solution. Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente at dami ng sanitizer na ininom ng mga biktima.

Leave A Reply

Your email address will not be published.