Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinalit kay Ellen Adarna? Katrina nilait dahil kay John Lloyd

0 507

Ang daming na-curious na mga fan, netizen, sa mga naglabasang photo ni John Lloyd Cruz na kausap si GMA Films President and Programming Consultant to the Chairman and CEO Annette Gozon-Valdes.

Ang bongga nga na nakipag-meeting agad-agad si Lloydie sa GMA executive, kasama si Direk Bobot Mortiz.

Excited ang netizen na malaman ang iba pang detalye ng upcoming project ni Lloydie sa Kapuso Network. Kung ano man ito, tiyak na kaabang-abang para sa lahat.

Pero, ang nakakaloka, ilang oras lang ay bigla ring lumabas ang mga photo ni John Lloyd na kasama naman si Katrina Halili. Iba’t ibang photo `yon, na sa unang tingin, makikita mong parang super close agad-agad sina Lloydie at Katrina.

Palaisipan sa marami ang pagsasamang ito nina John Lloyd at Katrina. Hindi nga raw kasi ito ang unang beses, dahil may mga nakakita na rin sa kanila noon na magkasama.

“Naku po, is something brewing? Two times na silang seen together,” sabi ni Winnie.

“KatLloyd na ba?” komento ng isa.

“Ellen Adarna part 2 ba ito ni John Lloyd?” say ng isa.

Ang takot ng iba, baka mauwi sa relasyon ang madalas na pagsasama nina John Lloyd at Katrina.

“Naku John Lloyd umuwi ka na ng Manila at baka magka-develop-an kayo ni Katrina!” saad naman ng isa.

“Wag naman sana, hindi sila bagay!” chika ng isa.

Yes, hindi tanggap ng mga fan ni Lloydie na nakikita siya na kasama ni Katrina. At katakot-takot na panlalait agad ang ibinato ng mga fan nina John Lloyd, Bea Alonzo, kay Katrina.

Nilait nila ang itsura ni Katrina. Ikinumpara ang ganda ni Katrina sa ganda ni Bea.

Ikinumpara rin nila sina Katrina at Bea sa mga sasakyan. Na para sa kanila, si Katrina ay isang pampasaherong jeep, habang si Bea raw ay isang mamahaling kotse.

Pero ayon sa chika, kaya madalas na nagkakasama sina Katrina at John Lloyd ay dahil sa pinagagawang bahay ng aktor sa El Nido, Palawan. Di ba, maraming property si Katrina sa Palawan, dahil doon talaga siya nag-invest.

At ngayon nga, kapag wala siyang trabaho ay mas madalas siyang nandoon sa Palawan.

At ano ang koneksiyon? Well, ang chika, arkitekto nga raw kasi ni John Lloyd ang kamag-anak ni Katrina, kaya ganun. Masyado lang daw advance mag-isip ang ibang fan, kaya kahit ang mga simpleng bagay, pinalalaki, binibigyan ng malisya at kulay.

Well…

Leave A Reply

Your email address will not be published.