Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinalawak na Solo Parent Act alay sa milyon-milyong magulang – Probinsyano

0 88

Ikinatuwa ng Ang Probinsiyano party-list ang pasasabatas ng Republic Act No. 11861 o Expanded Solo Parents Welfare Act na aniya’y malaking tagumpay ng halos 11 milyong solo parent sa buong bansa.

“Ako po ay maagangnaulila sa ama. Ang aking ina ay isang solo parent na itinaguyod kaming limang magkakapatid. Kaya ramdam ko po ang hirap ng isang magulang na mag-isang kumakayod at kumakalinga sakanyang pamilya,” sabi ni Probinsyano party-list Rep. Alfred Delos Santos na aktibong nagsulong ng panukala sa Kamara.

“Ang batas na ito ay alay namin sa milyon-milyong solo parents nating kababayan. Nasa inyo po ang aking malalim na respeto. Mabuhay po kayo!” dagdag pa niya.

Sa ilalim ng Expanded Solo Parents Act, sa halip na isang taon, anim na buwan ang hihintayin para kilalanin na isang “solo parent”. Kabilang dito ang asawa o miyembro ng pamilya na isang OFW na nasa low/semi-skilled category at wala sa Pilipinas ng isangtaon tuluy-tuloy.

Inamiyendahan ang batas na ito para isama bilang “solo parent” ang mga lolo at lola, miyembro ng pamilya at kahit na hindi kamag-anak na kinikilalang tagapag-alaga at may solong responsibilidad sa bata.

Kabilang sa mga benepisyo na matatanggap ng mga solo parent ay P1,000 tulong pinansiyal kada buwan sa mga minimum wage earners.

Isa sa mga importanteng probisyon sa bagong batas ay pinahaba ang mga karapatan at benepisyo ng solo parents hanggang 22 anyos na ang anak. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.