Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinakopya noon, dyowa na ngayon

0 15

Nagpakopya sa kaklase, nagka-forever

Marami ang naaliw at napa-sana all sa kuwento ng pag-ibig ng mag-asawang mula sa North Cotabato.

Ito ay matapos mag-post sa Facebook ang babae ng graduation photo kung saan may hawak siyang whiteboard na may nakasulat na: “Pinakopya ko lang noon, asawa ko na ngayon!” habang proud na ipinakita ang mga daliri nilang may wedding ring.

Ayon kay Simmeon Nicole, nagsimula ang love story nila ni Ark nang lumipat siya mula political science patungong physical education sa University of Southern Mindanao.

Lumapit daw sa kanya si Ark at nagpatulong sagutan ang exam niya sa accounting, na kanya namang tinuruan.

Mula noon ay nagsimula na silang maging malapit sa isa’t isa.

Hindi umano naging madali ang relasyon nila dahil magkaiba sila ng relihiyon.

Sa kabila nito ay nauwi rin sina Simmeon at Ark sa Christian at Muslim weddings.

Dalawang taon na silang kasal ngayon at natakdang grumadweyt sa July 28, 2021.

Biro naman ng mga netizen:

“Sana pala kumopya din ako noon sa kaklase ko dati edi sana may forever nako.”

“Yung mga nagpakopya sakin galaw galaw aba!! Napapag iwanan tayo.”

“Yes! Bagong strategy para sa mga walang jowa. kumopya sa mga crush niyo.” (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.