Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinakamataas na puso sculpture gawang Pinoy

0 148

Nakatakdang itayo ng isang Filipino-American artist ang pinakamataas na heart sculpture sa buong mundo sa Florida, United States of America.

Dinesenyo ni Jefre Figueras Manuel ang 100 talampakang stainless steel na inaabangan dahil sa pagiging pinakamataas na uri nito kapag nakompleto na ito. Layunin ng sikat na landscape architect na makuha ang titulo na world’s tallest heart sculpture para sa selebrasyon ng Valentine’s Day sa 2022 at 2023.

“Tradition is what is in your heart, I just want to show how big it can be,” sabi ni Maniel.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kasalukuyan nang ginagawa ang sculpture na pinamagatang ‘Heart to Heart’ sa studio ni Manuel na nakabase ngayon sa Florida.

Kapag nakompleto na, maaari umanong madaanan ng mga bibisita ang glass bridge na kumokonekta sa dalawang side ng puso at matatanaw ang magandang view sa paligid ng Port St. Lucie kung saan ito itatayo.

Bukod sa Pilipinas, may iba’t ibang artwork na rin si Manuel na bumida sa ibang bansa tulad sa London, Abu Dhabi at iba pang bahagi ng US.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.