Una sa Balita

Pinakamataas na attendance naiposte

0 222

Naitala ang pinakamataas na numero sa pagdalo ng mambabatas noong magbukas ang 18th Congress nitong Hulyo 22 hanggang Setyembre 10, kung saan umabot sa 247 solon sa kabuuang 18 session days.

Ang mataas na numero ng dumalo ay unang pagkakataon at pruweba ng determinasyon at pagiging makabayan ng mga mambabatas sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Alan Peter Cayetano.

Ayon kay House Deputy Speaker Neptali Gonzales II, majority leader noong 16th Congress, hinaha­ngaan niya ang mga kapwa niya kongresista sa House sa kanilang ipinapakitang dedikasyon sa tungkulin matapos lumabas ang mataas na attendance record.

Patunay nito ang House record na may pinakamataas na attendance na umabot sa 266 attendees sa roll call na ginanap noong Agosto 13, ang araw kung saan ginugunita ng bayan ang Eid al-Adha holiday, at ang 259 attendees noong Agosto 27, ang araw matapos ang selebrasyon ng National Heroes Day.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy