Una sa Balita

‘Pinakamasarap ang ipatitikim ko sa kanya’: Barbie bubusugin ni JM de Guzman sa V-day

0 789

abante-paistaran-dondon-serminoTigang daw ang puso ni JM de Guzman nga­yong Feb. 14. Wala raw siyang ka-Valentine’s date, dahil wala nga raw siyang dyowa.

Katunayan, sa presscon ng JM Shawarma, na kung saan ay siya nga ang endorser, humirit pa siya sa amin na…

“‘Yun nga sana ang itatanong ko sa iyo, eh, baka naman may irereto ka sa akin na maka-date,” pabirong chika niya.

Ang daming babae na naghahangad na maka-date ka, ha!

“Wala nga, eh. Pero, lahat sila love ko. Pero, wala, eh,” pabiro pa ring hirit niya.

So, sa Feb. 14, busog ang tiyan niya, pero malungkot ang puso?

“Parang ganun na nga po. Siguro ganun talaga ang buhay, minsan hindi ibibigay sa iyo lahat,” patawa-tawang say ni JM.

Eh, biglang may humirit, paano si Barbie Imperial?

“Ayan tayo, eh. Sabi ko na, itatanong ‘yan. Hinintay ko lang. Anong oras na ngayon, 1:20 pm na. Okey, sakto lang sa oras. Hahahahaha!” natatawang reaksiyon ni JM.

Matitikman ba ni Barbie ang JM Shawarma mo?

“Siyempre ipapatikim ko sa kanya ang. Ipapatikim ko sa kanya ang all meat. Meat overload, ang pinakamasarap,” patawa-tawa pa ring sagot ni JM.

Anyway, kahilera na nga ni JM sina Piolo Pascual, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, na puro endorser na rin ng Shawarma, ha! Pero, hindi raw niya iniisip ‘yon, dahil ayaw raw niya ng pressure.

“Mas nangingi­babaw naman na natutuwa ako, pero hindi naman ‘yung napi-pressure. Na-train ko ang utak ko na tanggalin ang pressure ‘pag dumarating sa ganiyan, na mas ginugusto ko na i-enjoy na lang ang journey ko with my new family,” sabi ni JM.

Ang JM Shawarma ay nagsimula sa General Santos City, anim na taon na ang nakalilipas. At ngayon nga raw ay nandito na sa Maynila, o sa buong Pilipinas.

“Nagsimula lang sa GenSan, at ngayon nga ay marami na ang nag-franchise. Buong Pilipinas na si JM. Pinag-uusapan na nga namin na gusto ko ring mag-franchise,” sabi na lang ni JM.

 Andrea, Kyle umeksena sa ‘buwan ng pag-ibig’

Ang mga bida ng “Kadenang Ginto” na sina Andrea Brillantes at Kyle Echarri ang mga bida ngayong buwan ng pag-ibig bilang MYX Celebrity VJs na maghahatid ng kilig, mga bagong musika at mensahe ng pagmamahal ngayong  Pebrero. 

Bubuhayin pa lalo nina Andrea at Kyle ang numero unong music channel ng bansa sa kanilang kulitan habang dala ang mga hiling na kanta, bagong tugtugin, at madamdaming mga mensahe para sa MYX viewers.

Haharap naman ang funk rock band na IV of Spades sa music channel bilang “MYX Headliner.” Tunghayan ang lead vocalist at bassist na si Zild Benitez, lead guitarist na si Blaster Silonga, at drummer na si Badjao de Castro sa kanilang pagtatanghal sa mga minahal na kanta tulad ng “Bawat Kaluluwa,” “In My Prison,” at “Mundo.”

Maki-jam naman kasama ang rapper-producer duo na Good Kid$, binubuo nina Gaby Singson at Bernie Margulies, na tatayo naman sa ilalim ng “MYX Spotlight.” Tuklasin and kanilang hip-hop/rap tracks tulad ng“Eyes,” “For Tonight,” at “Show Me,” sa kanilang pagsali sa music channel para sa kabuuan ng buwan.

Samantala, maaaring maghandog ng love notes ang mga manonood para sa kanilang special someone sa Love on MYX at magkaroon ng pagkakataon na basahin ng kanilang paboritong VJ ang nasabing mensahe sa MYX Valentine’s Day Special. Para sa mga mensahe, pumunta lamang sa myxph.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy