Una sa Balita

Pinakamalaking strawberry cake sa Benguet may replica na

By
0 559

NAKAHANDA nang ibandera ng lokal na pamahalaan ng La Trinidad, Benguet ang paggawa ng replica ng ‘biggest strawberry shortcake’ na kinilala ng Guinness World Records (GWR) noong 2004.

Ayon sa La Trinidad local go­vernment unit (LGU), magiging highlight ang world-record giant strawberry cake sa pagdiriwang ng Strawberry Festival sa La Trinidad na nagsi­mula na nitong Lunes at magtatapos sa Marso 29.

Ang nasabing giant strawberry cake ay may bigat na mahigit 9,600 kilo at may taas itong 1.5 meters at 2.5 meters ang haba kung saan mahigit 10,000 katao ang kumain.

Ngayong taon ay gagawan ng replica na may kaparehong sukat at bigat ang nanalong giant cake noong 2004 na kumuha ng GWR.

Nais ng lokal na pamahalaan na sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Strawberry Festival ngayong taon ay makilala ang La Trinidad bilang Strawberry Capital of the Philippines. ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More