Una sa Balita

PINAKAMALAKING KAPAMILYA DIGITAL STARS, KIKILALANIN SA BAGONG PUSH AWARDS

0 7

Muling kikilalanin ng Kapamilya entertainment website na PUSH.com.ph ang pinakaimpluwensyal na digital stars sa pagbubukas ng ikatlong taon ng PUSH Awards.

Ngayong taon, tanging Kapamilya stars ang bibigyang parangal sa bagong major categories na PUSH Personality at PUSH Goals na pagbabasehan lamang sa boto ng fans.

Samantala, ang PUSH Performance ca­tegories naman ay pagpapasyahan ng parehong fan votes at scores mula sa judges.

Magbubukas ang botohan sa PUSH Awards ngayong Linggo (Agosto 20) sa PushAwards.com, kung saan makikita rin ang kumpletong listahan ng mga nominado.

Sa nakaraang dala­wang PUSH Awards, namayagpag sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Yeng Constantino, Darren Espanto, Vice Ganda, Liza Soberano at Enrique Gil. Sino naman kaya ang aangat ngayong taon?

Humanda nang bumoto para sa pinakasinusundan at pinakatinututukang personalidad sa digital media sa PUSH Personality categories na Male Celebrity, Female Celebrity, Group/Tandem, Newcomer, Music Personality, Sports Personality, Radio Personality at Online Personality.

Kikilalanin din ang performances na pinag-usapan at binihag ang puso ng netizens sa PUSH Performance categories na Male TV Performance of the Year, Female TV Performance of the Year, Male Movie Performance of the Year, Female Movie Performance of the Year, Celebrity Host of the Year, Song Cover of the Year at Dance Cover of the Year.

‘Feed goals’ naman kung tatawagin ang nominees sa PUSH Goals categories na Celebrity Traveler of the Year Award #TravelGoals, Celebrity Foodie of the Year #FoodGoals, Celebrity Fitspiration of the Year #FitnessGoals, Celebrity Fashionista of the Year #OOTDGoals, Celebrity Family of the Year #FamilyGoals, at Celebrity Baby of the Year #BabyGoals na nagbigay ng inspirasyon sa fans.

 Nagbabalik din ngayong taon ang PUSH Ultimate Fan Award para kilalanin ang natatanging fan club na magpapakita ng pinakamainit na suporta sa kanilang paboritong stars. Igagawad ito sa fan club na magpo-post ng pinakamaraming tweets gamit ang itinatalagang hashtag sa kanila.

Mas enggrande at mapapanood ng mas maraming fans ang PUSH Awards ngayong taon dahil magaganap ang awarding ceremony nito sa “ASAP Chillout,” ang pinaka-star-studded online show na napapanood sa buong mundo kung saan bibigyang parangal ang winners.

Sa nakalipas na dalawang taon, matagumpay na tinipon ng PUSH Awards ang pinakamalaking stars at fandoms sa bansa upang kilalanin ang kanilang impluwensya sa digital world at bigyang kapangyarihan ang fans.

Ang PUSH Awards ay isa lamang sa digital initiatives ng ABS-CBN, ang nangungunang media and entertainment company sa bansa, na ngayon ay nagi­ging isa nang digital company dahil sa patuloy nitong pangunguna kumpara sa mga katapat na network sa pagdala ng dekalidad nitong content online at paglawak ng handog nitong digital properties.

Iboto na ang mga iniidolong personalidad sa PUSHAwards.com at mag-log in sa PUSH.com.ph upang laging maging updated sa entertainment news, information, at trivia.