Una sa Balita

Pinakamahusay na Bise Alkalde ng 2018

0 313

Muling nakapagbigay ng karangalan sa mga mamamayan ng San Juan si Vice-Mayor­ Janella Estrada matapos itong hirangin bilang ‘Pinakamasuhay na Bise Alkalde ng Taon’ ng Gawad Filipino Awards noong Disyembre 2018. Ibinigay ito sa isang sere­monya na isinagawa sa Pasig City noong Disyembre 17,2018.

Sa higit 1,600 vice-mayor sa buong kapuluan, nangibabaw ang galing sa serbisyo publiko ng anak ni dating Senador Jinggoy Estrada. Ang nakakabilib pa dito, ito ang unang termino ni Janella bilang vice-mayor ng lungsod.

Todo pasasalamat si Janella sa mga organizer at mga taong nasa likod ng Gawad Filipino Awards dahil sa pagkilala sa kanyang dedikasyon at subsob na trabaho sa San Juan.

“Hindi biro ang maging isa sa PINAKA MAHUSAY NA BISE ALKALDE NG TAON – para sa isang baguhang Vice Mayor isa po ito sa pinaka importanteng pagkilala para sa akin.” ayon sa post ni Janella sa kanyang Facebook account.

“Maraming salamat po sa award na ito. Bagama’t isa itong simpleng plake o tropeo, totoo po na ito ay magsisilbing ins­pirasyon sa akin. Ito po ay inihahandog ko sa aking mga pinaglilingkuran sa Lungsod ng San Juan. Para po ito sa mga San Juaneno na patuloy akong pinagkakatiwalaan at ako po ay patuloy na maglilingkod sa abot ng aking lakas, galing, husay at tapat na serbisyo. To God be the glory,”dagdag ng Bise-Alkalde.

Bilib naman ang mga residente ng San Juan sa nakuhang award ni Janella at naniniwala din silang ito na ang susunod na alkalde ng lungsod.

“Congrats! Number One Vice Mayor Janella Ejercito Estrada. Saludo kami sa sipag, matulongi At mapagmahal At future Mayor ng San Juan! Godblesu,” komento ni Carol Leoy.

“Congrats, Vice Jel! Isa n nman kara­ngalan ang handog mo sa mga San Juaneno. Ipinagmamalaki ka nmin!” ayon kay Felicidad Valentin.

Proud naman ang amang si Jinggoy sa nakuhang karangalan ni Janella.

Noong konsehal pa lang ng siyudad si Janella, nasungkit din niya ang ‘Natatanging Pilipinang Konsehala’ award noong 2015.

Tatakbo si Janella bilang alkalde ng San Juan sa May election at susubok na masundan ang yapak ng amang si Jinggoy at lolo na si dating Pangulo at Manila Mayor Joseph Estrada.