Una sa Balita

Pinakamagaling na boksingero tinabla si Manny

PACQUIAO LAOS NA

By
0 3,302

TILA inalipusta na, tinang­gihan pa si eight-division world pro boxing champion Emmanuel “Manny” Pacquiao!

Ginawi ito ni three-division world king Vasiliy Lomachenko ng Ukraine sa bisperas ng kanyang laban sa Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Maynila) kay Jose Ped­raza ng Puerto Rico sa Hulu Theater ng Madison Square Garden sa New York City.

Nakatakdang pag-isahin ng dalawang boksingero ang mga suot nilang sinturon – si Lomachenko ang kanyang World Bo­xing Association lightweight world championship at si Pedraza ay ang tangang World Bo­xing Organization.

Pero matapos ang labang ito giniit ng 30-anyos na Ukrainian na wala na sa kukote niyang labanan ang Pinoy ring icon o Pambansang Kamao.

“I’m not disrespec­ting Pacquiao. He’s old. I think his career is done. I don’t want to become a legend in boxing because of him,” bulalas ni Loma­chenko. “There are a lot of good fighters to fight who are comparable to me.”

Si Lomachenko ay may 11-1 win-loss, 9 knockout, ring record samantalang si Pedraza ay mayroong 25-1, 12 KOs. Pero si Loma­chenko ang pinaastig na boxer sa kasalukuyan sa pangu­nguna sa pound-for-pound.

Balik-ring siya sa unang pagkakataon sapul nang idemolis si Jorge Linares ng Vene­zuela noong Mayo 12 sa Madison Square din.

Si Pacquiao ang kasalukuyang WBA welterweight titleholder na kanyang naagaw nitong Hulyo kay Argetina’s Lucas Martin Matthysse. Sapul nang matalo noong 2015 kay Ame­rican Floyd Maywea­ther, Jr. nagtala siya ng 3-1 win-loss mark.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More