Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinakamababa sa loob ng 17-taon! BSP inismol pagsipa ng dolyar

0 106

Patuloy pang humina ang palitan ng piso laban sa dolyar kahapon nang magbukas ito sa P54.10, mas mababa kaysa sa P54.065 kung saan nagsara ang merkado nung Lunes.

Sumadsad ang piso sa P54.40 laban sa dolyar, ang pinakamababa nito sa loob ng 17 taon. Nagsara ang trading sa palitan na P54.265 sa dolyar.

Umabot na sa $1.3899 billion ang halaga ng mga transaksyon sa merkado kahapon kung saan nagaverage ang piso ng P54.207 laban sa dolyar.

Sa kabla nito ay hindi nababahala si incoming Bangko Sentral ng Pilipinas governor Felipe Medalla sa pagbagsak ng piso sa P54 laban sa dolyar.

Sa interview sa TV5, sinabi ni Medalla na ang problema ay dahil sa malakas ang dolyar at hindi dahil mahina ang piso. Nagtataas ng interest rates sa Estados Unidos para maapigil ang inflation. Dagdag pa ni Medalla, madaling mapapalakas ang piso ngunit mamamatay naman ang ekonomiya ‘pag ginawa ito dahil mababawasan ang imports.

Kapag pinalakas din ang piso, maaaring humina ang exports ng bansa dahil magmamahal ang mga produktong Pilipino sa global market.

Paliwanag pa ni Medalla, maraming nagsasabing kailangang itaas ng BSP ang interest rates ngunit hindi nila nakikita ang datos na nakikita ng BSP na binabalanse nito ang mga hakbang para hindi gaanong sumirit ang inflation o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Aniya, ang pakialam nila sa BSP ay ang inflation at hindi ang exchange rate. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.