Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinahopya mga fan: Maine ‘babalikan’ si Alden

0 140

Parang nabuhayan ng loob ang ilang AlDub fan sa naisip nila na posibleng magkatuluyan sa hinaharap sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Nabigyan ng ibang kahulugan ang payo sa reply tweet ni Maine sa isang fan na naglahad ng kanyang patuloy na pakikibaka sa buhay.

“Thank you @mainedcm, akala ko kasi tapos na ang lahat, akala ko huminto na ang mundo ko dahil sa ginupo na ng sarili kong kahinaan ang pangarap ko, akala ko hanggang dito lang ako at hindi na magpapatuloy pa. Salamat sa inspirasyon Maine, eto ako patuloy na naglalakbay sa buhay,” sabi ng fan na si @Maddiecipres.

“Mararamdaman mo naman kapag hindi talaga para sayo ang isang bagay, pero hindi ibig sabihin non ay wala na tapos na. Merong ibang bagay na nakalaan para sayo at sana kapag dumating na ‘yung tamang oras para doon ay buong puso mong tanggapin ‘yon sa buhay mo,” sagot na payo ni Maine.

At dito nga nagsulputan ang pahayag ng mga AlDub supporter na hihintayin nila ang panahong magkakatuluyan sina Maine at Alden.

***

Juday sinermunan ang bunsong anak

Sinigurado na ng mga fan ni Judy Ann Santos na lalaking mabait ang bunso niyang si Luna. Nakaposte sa Instagram ng @teamjuday ang video na nagpapakita na umiiyak si Luna, habang nakaharap naman sa selfie si Juday at kinausap ang bata na nakatingin din sa kamera.

Hindi pinahiram ni Lucho si Luna ng kanyang libro kaya umiiyak ang bata. Habang nasa harap ng kamera, pinangangaralan ni Juday ang anak na hindi nito puwedeng kunin ang libro ng kuya nya dahil ginagamit ito sa online class.

Sinabi pa ni Juday na iba na lang ang librong kunin ni Luna.

Ipinaalala ni Juday ang bilin nito sa anak na iiyak lang ito kapag nasaktan. Kaya hindi ito dapat lumuluha dahil wala namang nanakit sa anak.

Panay lang ang sagot ni Luna na “yes mommy” sa sinasabi ng ina, kahit hindi maampat ang luha nito. Aliw na aliw at cute na cute ang netizen kay Luna.

Dahil sa “yes mommy” na mga sagot ng bata, sinigurado na nilang magiging masunurin pa rin at mabait na anak si Luna. Humanga ang mga follower ni Juday sa kalmado at diplomasya sa pagpapaintindi sa kamalian ng bunso niya.

***

Maritoni kasal na kay Mon Dayrit

Ikinasal nitong July si Maritoni Fernandez kay Mon Dayrit. Nakaposte sa IG ng anak ni Maritoni na si Lexi ang mga wedding photo ng ina kasama si Mon.

Nasa London si Lexi kaya hindi ito nakadalo sa civil wedding ng ina sa opisina ng isang Mayor sa hindi na pinangalanang lugar. Paiba-iba ang date ng mga posting ni Lexi sa wedding ng ina kaya hindi malaman kung sa gitna ng MECQ o GCQ nang ikasal ang huli.

Sa mga Instagram post naman ng nasabing character actress-businesswoman, nakabalandra ang kasiyahan nito sa piling ng asawa, at sinabi pang dalawang buwan na siyang naliligo ng pagmamahal mula sa asawa.

Anyways, nagpapagawa ngayon ng beach house si Maritoni at ang kanyang asawa. Inaasahang matatapos ang construction nito bago matapos ang 2020.

***

Mariel, Robin ‘baby’ buwan-buwan nagpa-party

Hindi pinalalagpas ni Mariel Padilla na i-celebrate ang birthday ng kanyang bunso na si Gabriela. Hindi hadlang ang pandemya para bigyan ng maliit na party ang anak.

Umaabot na sa 10th month ang pagsi-celebrate ni Mariel sa araw ng birthday ni Gabriela. Hindi lang simpleng cake ang inorder ni Mariel para sa anak, kundi may design pa ito at mamahalin talaga.

May mga pa-balloon pa si Mariel at handa para sa anak.

Gumagastos talaga ang dating TV host na ngayon ay vlogger na rin.

Pati ang panganay nila ni Robin Padilla na si Isabella, ay buwan-buwan din na nagsi-celebrate ng kaarawan, hanggang sa sumapit ito ng isang taon.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.