Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinagtagpo pero ‘di tinadhana! Viral na lalaki hanap ang nakatulog sa balikat niya

0 345

Muling inalala ng lalaking nag-post ng viral photo ang sandali na kung saan naranasan umano niya kahit saglit na magkaroon ng jowa.

Higit isang taon na simula nang i-post ni Arvee Rivera Estacio sa Facebook ang kanyang kakaibang experience nang sumakay sa jeep. Dito may sumandal umano sa kanyang babe na sarap na sarap sa pagtulog.

Aniya, “Ate kung sino ka man, salamat at naiparamdam mo saakin na kahit sandali lang nagkajowa ako. Sarap ng tulog mo e, ayaw kona yatang pumara.”

Umani ng higit 91,000 likes at nasa 3,000 comment bukod pa sa libo-libo ring share ang post ni Estacio, sabay kwento ng kani-kanilang kaparehong karanasan sa pagsakay sa jeep.

Ang iba, pabiro pa sa kanilang pag-share sa kaparehong sinapit ni Rivera:

“Naranasan ko Rin Yan nakatulog ako SA bus pero diko type Yong nasandalan ko.”

SM food to go Banner Ad

“Naranasan kona din yan sa bus feeling may jowa.”

“Ay naranasan ko yan sa bus …nsa dibdib na pala ako ng lalaki kya super hiya ako.”

Pero kahit isang taon na ang lumipas hindi pa rin umano natatagpuan ni Estacio ang babaeng sumandal sa kanya.

Sabi pa ng isang netizen, “Keep it up, mahahanap mo din nakatadhana sayop’ sa tamang panahon.”

At para sa iba pa eh feeling pinagtagpo silang dalawa pero hindi tinadhana sa isa’t isa. (Gel Manalo)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.