Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinagpalit sila sa TV5: Mga ‘Showtime’ host masama loob kay Direk Bobet

0 627

Naloka ang mga kapwa host ni Ryan Bang sa “It’s Showtime” noong nakaraang linggo dahil tila nagparinig siya kay Direk Bobet Vidanes sa hirit niyang “basta hindi ako lumilipat ng channel.”

Sa “Hide and Sing” segment kasi ng show, naghuhulaan ang mga host kung sino ang totoong celebrity singer sa 3 nakatagong singers.

Habang nagdedesisyon ang mga host kung sino ang hula nila, sinabi ni Vhong Navarro na huwag na silang magpalitan ng choices.

“Si Ryan dapat ‘di lumipat e. Kasi si Vice at Ion, number 2 talaga. May lumilipat, dapat hindi lumilipat ‘yun. Dun ka mag-stick sa 3!” sabi ni Vhong kay Ryan.

Doon naman humirit si Ryan ng “Basta hindi ako lumilipat ng channel.”

SM food to go Banner Ad

Halatang nagulat ang mga host sa sinabi niya, kaya sinagot siya ni Amy Perez na: “Ang pinag-uusapan lang tago-kanta!” habang nakangiti lang si Vice na nagsabing “Sobra kang magsalita ah. Direk o!”

Kung noong una naman ay nakatakip ang bibig ni Jugs, hindi naman niya napigilang humirit na, “Sabi mo loyal ka, ba’t ka lumipat? Sabi mo loyal tayong lahat. Loyal kami ni Kuys Vhong, loyal kami ni Vice.”

“May sama ng loob?” sabi ni Amy.

“Nakalkal natin e, lumabas din!” joke naman ni Karylle tungkol daw sa totoong nararamdaman ni Ryan.

Hindi pa nagsasalita ang hosts tungkol sa napabalitang paglipat ng istasyon ng “It’s Showtime” creator kaya naman ngayon mukhang hanggang mga patama na lang muna ang makukuha natin sa kanila ngayon. (DS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.