Una sa Balita

Pinagmumura ng mga fan ni Sarah ‘Hindi puta ang mga magulang ko!’ — Angeline

By
0 2,162

Ang sabi-sabi na pinagtawanan nina Angeline Quinto at Morisette Amon ang video na kung saan ay todo emote si Sarah Geronimo, na sinasabi nga niyang ‘empty’ ang pakiramdam niya, ang naging ugat ng sunod-sunod na pagtira, panlalait, pagmumura ng mga popster fan sa una.

Pero, ang pagdamay sa nanay niya ang hindi kinaya ni Angeline sa lahat ng batikos sa kanya ng mga fan ni Sarah.

Sabi ni @miko1617, ‘Po#@$ ina mo pala @AngelineQuinto at Morishit ee. Papatumba ko kayo mga gago. #WagsiSarah gaguhin niyo mga magulang nyu wag lang sya puki niyu panis.’

Dito nga nanginig nang husto ang kalamnan ni Angeline, at gusto nga niyang harapin ang taong ito.

“MAGKITA TAYO NG PERSONAL MIKO. WAG NA WAG ANG MAGULANG KO. KAHIT KELAN HINDI NAGING PUTA ANG MAGULANG KO. WAG NA WAG ANG MAGULANG KO NANGINGINIG AKO SA PAG-TYPE NITO PARA SAYO. MAGKITA TAYO PAKIUSAP POPSTERS.

“Please nakikiusap ako ngayon sa inyo, ilabas niyo ang video at ipakita niyo o ipakilala man lang yung staff ng ABS-CBN na nakarinig ng pag-uusap namin ni Morisette.

“Pati si Morisette na walang kinalaman dito kung ano-ano ang sinabi niyo. Wag naman ganun. Hindi tama yan.

“Unang una sa lahat popsters hindi ko pa alam ang issue na yan about Sarah Geronimo, nung nag Asap ako nung Linggo, nalaman ko ang issue kay Sarah galing sa best friend ko, April 30 (Monday) so paano narinig ng staff ng ABS-CBN? E nalaman ko nga lunes pa.

“Popsters, napakalaki ng respeto ko kay Sarah Geronimo, napakalaki ng respeto ko sa mga supporters niya, nakikiusap ako, ilabas niyo ang video, iharap niyo sa akin ang taong sinasabi niyo na staff ng ABS-CBN nakikiusap ako sainyo Popsters. Ngayon lang ako makikiusap sa inyo.

“Sabihin niyo lahat popsters, hindi ako nakapag-solo concert na sold out, tomboy ako, hindi ako sikat, tatanggapin ko lahat yan, Dahil nirerespeto ko kayo.

“Tatanggapin ko lahat yan dahil nirerespeto ko ang iniidolo niyo. Sa ginagawa ko ngayon mas nahihiya ako kay Sarah.

“Ngayon ko lang nabasa lahat ng messages ng Popsters. Ang taas ng tingin ko sainyo at laki ng respeto ko sa inyong lahat. Dahil kay Sarah Geronimo, kahit anong masasamang sabihin niyo sa akin at kay Morisette, reresputuhin ko parin kayo dahil nirerespeto ko si Sarah.

“Nasaan ang video at ang staff ng ABS-CBN na nakarinig at nakakita sa amin ni Morisette na pinag tatawanan ang video ni Sarah Geronimo at sinabihan naming Pabebe si Sarah? Popsters nakikiusap ako. Ipakita niyo sa amin ni Morisette.

“Angeliners, Angelinians, Aqnatics, AngerikBabies, Maraming salamat sainyo. Mahal na mahal ko kayo. Respeto lang sa bawat isa. ‪#HateNoMore ‪#JudgeNoMore.

“Sa ibang popsters na humihingi ng sorry, nag-direct message at humihingi ng paumanhin, hindi niyo kailangan gawin yan. Maraming Salamat sa inyo. Sana isipin nalang natin ang pinagdadaanan ni Sarah. Nakikiusap ako sainyo para kay Sarah,” ang sunod-sunod na pakiusap ni Angeline.