Una sa Balita

Pinaghahandaan na: ‘Sugod Bahay’ sa Pasig super engrande

0 430

abante-anything-goes-jun-lalinInusisa ko ang creative head ng “Eat Bulaga” na si Ms. Jenny Ferre kung kailan na sila pupunta sa mga barangay ng Pasig City ngayong mayor-elect na ng nasabing lungsod si Vico Sotto na anak ng main host nila na si Vic Sotto para makapag-‘Juan For All, All For Juan.’

“Soon!” ang matipid na sagot niya.

Pero baka sa July pa ‘yon na start ng term ni Vico bilang ‘ama’ ng Pasig City.

For sure, pinaghahandaang mabuti ng “Eat Bulaga” ang kanilang ‘Juan For All, All For Juan’ na pagsugod sa isa sa mga barangay ng Pasig City, ‘noh?!

Beauty, Dimples nagkapikunan sa sampalan

Kahapon ay tinanong ko ang corporate communications head ng ABS-CBN kung ano ba ang announcement mamaya sa presscon ng “Kadenang Ginto”?

“Thanksgiving lang talaga for the success and high ratings ng ‘Kadenang Gint­o.’ Definitely, extended,” sabi ni Sir Kane at sumingit naman ang assistant niya na si Aaron Domingo at sinabing, “Hindi pa matatapos, ilang beses na ngang nag-extend!”

Buong cast pala ang haharap sa thanksgiving presscon nila at matatanong na rin sina Beauty Gonzales at Dimples Romana kung nagkaroon na ba ng pagkakataon na nagkapikunan sila dahil sa sabunutan at sampalan scenes nila sa “Kadenang Ginto.”

“Ang alam ko, friends sina Beauty, Dimples at maganda ang samahan nila sa set, kaya imposibleng may pikunan sila!” dagdag pa ni Aaron.

Well…

Aktor, pretty actress ‘di pa magdyowa

Hindi pala totoo ang tsikang mag-on na ang isang aktor na ilang beses sumabit ang c­areer dahil sa bisyo at ang isang pretty actress.

Totoo raw na nagkakagustuhan na ang dalawa, pero marami pa raw issues na inaayos ang aktor sa kanyang buhay.

Pero ‘yung closeness daw ng dalawa ay totoo naman, pero ang relasyon daw ay wala pa talaga.

Puring-puri rin ng pamilya ni pretty actress si aktor dahil kahit marami pa raw itong personal i­ssue na inaayos ay napakabait at napakagalang daw nito!

Nadine big winner sa MYX Music Awards

Natuwa ang mga fan ng KathNiel love team dahil sumipot sa MYX Music Awards ang mag-sweethearts na Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Nang dumating nga raw sina K­athryn at Daniel sa ABS-CBN Tent sa Vertis North ay naglabasan ang mga fan at mainit na sinalubong ang mag-sweethearts.

Dumating din sa MYX Music Awards ang JaDine love team. Si-yempre, mainit din ang pagtanggap sa kanila ng mga fan.

Big winner nga si Nadine L­ustre dahil siya ang tinanghal na female artist of the year at may three awards pa na ikinatuwa ng boyfriend niyang si James Reid.

Parehong nag-present nga pala ng awards ang KathNiel at JaDine love teams.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy