Una sa Balita

Pinagbawalang magtayo ng tindahan

0 408

Dear Atty. Claire,

Good morning atty. Ask ko lng po kung makakakuha po kami ng necessary expenses sa tinatayo pa lang po na tindahan?

Pinagbawalan po kasi kami ng may-ari ng lupa na may pinakitang photocopy ng titulo.

Karl

Dear Mr. Karl,

Paano ba kayong nagsimulang magpatayo ng tindahan? Sino po ba ang kausap ninyo? Umupa ba kayo sa taong nagpakilala na may-ari o may rights? Marami akong katanungan dahil ‘di ninyo sinabi kung paano ninyo nagawang magpatayo ng tindahan.

Bago po kasi makapagpatayo ng anumang structure at kakailanganin ng barangay clearance para makumpleto ang pag-apply ng building permit. Ang building permit ay mai-issue kapag mayroon kayong proof na may right kayo sa lupa, halimbawa, Contract of Lease, Title ng property. Kapag wala kayong ebidensiya ng anumang rights sa lupa ay hindi kayo mabibigyan ng buiding permit… at pag ganyan, hindi po kayo masasabing builder in good faith.

Ang builder na hindi in good faith ay walang makukuhang anumang halaga mula sa may-ari ng lupa. Ang tangi ninyong magagawa ay tanggalin ang mga naikabit o naipatayo ninyo.

Kung niloko naman kayo halimbawa ng taong kausap ninyo tungkol sa lupa ( kung nagpakilalang may-ari o may rights) kaya kayo nagpatayo ng tindahan ay maaari ninyo siyang ireklamo para makakuha ng danyos.

***

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 8922-0245 o 8514-2143 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More