Una sa Balita

Pinagbagsakan ng langit, lupa ang fan ni Wesley

0 414

Nalungkot ang isang panatiko ni super grandmaster Wesley So ng Estados Unidos dahil sa ­nalasap na pangatlong sunod na draws upang malaglag sa tuktok ng 2020 Tata Steel Masters sa Wijk aan Zee, Netherlands.

Tumabla lang si So, 25, sa Round 7 laban kay Vladislav Artemiev ng Russia tapos ng 41 moves ng Queen’s Gambit sa event na may 14-player single round robin.

“Tatlong sunod na tabla na si idol (So) kaya nalaglag na siya sa No. 2. Pero marami pang rounds at puwede pa siyang umakyat sa unahan,” komento ni Carlito Valdez, mahilig maglaro ng chess na taga-Pangasinan.

Nakalikom ang Imus, Cavite woodpusher ng 4.5 points sa pagsalo sa No. 2 kina GM Fabiano Caruana ng USA rin at Jorden Van Foreest ng punong abalang bansa.

Solo sa top spot si 16-year-old GM Alireza Firouzja ng Iran, tangan ang limang puntos tapos pisakin si American GM Jeffery Xiong.

Makakalaban ni So sa round 8 si Russian GM Danill Dubov. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More