Una sa Balita

Pinagbabato ng engkanto

0 284

Mga ka-Misteryo napagtripan na ba kayo ng mga engkanto?

‘Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin natin ang Totoo!”
Nagbakasyon sa pro­binsiya ang mag-anak ni Rodel habang wala pang pasok ang mga anak sa eskuwela.

Mula nang makapagtrabaho sa Maynila si Rodel hanggang sa umuwi siya sa Bulacan ay hindi nagbago ang estilo ng pamumuhay ng kanyang mga magulang. Mina­buti nilang pangala­gaan ang kanilang ancestral house na gawa sa pawid at kawayan.

Ang matindi pa nito, pati kanilang palikuran ay nasa labas ng bahay kaya’t ng gabing ‘yon ay nagkaproblema si Rodel nang sinumpong ng pananakit ang tiyan.

Kailangan niyang lumabas ng bahay ng dis-oras ng gabi. Hindi pa nagtatagal sa pagkakaupo sa trono si Rodel may tila buhangin na bumagsak sa bubong na yero ng kanilang palikuran. Noong una hindi niya pinansin pero naulit ito at sa dinig niya mas mara­ming buhangin ang bumagsak sa bubong.

Nagtaka si Rodel kung saan galing ang buhangin at kung bakit ito bumabagsak sa bubong ng kanilang palikuran. Ito ang inusisa ng #Misteryo kay Rodel.
Misteryo: “Ilang beses bang may bumagsak na buhangin sa bubong ng inyong palikuran?

Rodel: “Naku, hindi lang buhangin sumunod naman ay mga maliliit na bato ang bumagsak sa bubong ng aming cr.”

Misteryo: “Tiningnan mo ba kung sino ang nambabato sa cr ninyo?
Rodel: “Nagmamadali akong tumayo at lumabas agad at hinanap ko sa paligid kung sino ang nambabato sa akin.”

Misteryo: “May nakita ka ba? Baka mga kapitbahay ninyo lang ang nambato sa iyo?”

Rodel: “Wala akong nakitang tao sa paligid saka alas-10:00 na nang gabi, imposibleng gising pa ang mga bata sa aming mga kapitbahay. Nang bigla u­ling may bumagsak at may kalakihan ng bato buti na lang hindi ako tinamaan.”

Misteryo: “Anong napansin mo sa pali­gid? May malaki bang puno? Ito ba ang unang pagkakataon na naranasan mo ‘yan?”

Rodel: “Noong bata pa ako ay naranasan ko na rin ito dahil kasama ko nanay ko nagalit siya at pinagsabihan ang engkanto na ‘wag akong tatakutin. Marahil ito rin ‘yong engkanto na nambabato sa akin.
Ang karanasan ni Rodel ay tulad din ng naranasan ng ibang nasa probinsya pero mainam lang na ‘wag pansinin kung hindi man ay kausapin lang nang maayos.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan mag-email sa TeamMisteryp2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More