Una sa Balita

Pinaasa lang: Marco umatras sa panliligaw kay Janella

0 610

Ni: Glenn Regondola

Aminado si Marco Gumabao na dahil sa controversial video nila ni Janella Salvador na magka-holding hands, naudlot ang dapat sana ay panliligaw niya rito.

Ayon sa kanya, from that point, ay tila nagkaroon siya ng realization, kaya unti-unti nang na­ging madali ang pagkikita nilang da­lawa kahit group date ang nangyari noon.

Hindi niya itinanggi na nag-hol­ding hands nga sila, pero nasa getting-to-know-each-other-stage pa nga lang daw sila, pero nabalisawsawan na agad ito.

Inamin din ni Marco na nilapitan niya si Elmo Magalona nu’ng magkasama sila sa isang event ng ABS-CBN at ipinaliwanag niya rito ang nangyari at in-assure niya ito na walang nangyari, walang nangyayari at walang mangyayari sa kanilang dalawa ng ex-dyowa ni Elmo.

Nagpasalamat naman daw ang Kapamil­ya actor sa gentleman gesture na ginawa nito sa kanya kahit hindi naman sila close.

Sa part naman ni Janella, wala naman itong sinasabi pa tungkol sa isyu at kung ano ang pakiramdam nito na tila ‘naduwag’ si Marco dahil hindi pa man ay umatras na kaagad ito sa plano nito sa kanya.

Well, ganu’n talaga sa showbiz. Maraming paasa. Charootttt!

Psy dinedma si Ryan sa Korea

Sa pagbabalik ni Ryan Bang sa Pilipinas mula sa kanyang bakasyon sa kanyang Inang Bayan sa Korea, ay super proud nitong ikinuwento ang pagkikita nila ng kapwa Koreano niyang sikat na singer­ na si Psy.

Si Psy ay ang nagpasikat ng kantang Gangnam Style na hanggang ngayon ay patuloy pa ring umaani ng tagumpay dahil sa mga nakakatawang song and performance nito.

Sabi ni Ryan, nang magkatsikahan sila ni Psy ang ibinida nito ay ang ganda ng Pilipinas para ma­ging location nito sa mga susunod nitong mga music vi­deo, pero dinedma raw siya. Wala raw naging reaksiyon ang singer.

Pero, ewan namin kung kiyeme latik lang ito, dahil sinabi niyang gusto raw ni Psy na mag-guest sa It’s Showtime! Why not coconut, devah?

Sa kanyang bakasyon daw sa Korea ay nagkaroon din sila ng bonding moment ni Anne Curtis at ng asawa nitong si Erwan Heussaff.

Guwapong-guwapo nga raw si Ryan kay Erwan at pabiro ngang sinabi ni Anne na mas maraming oras together ang dalawa kaysa sa kanya na co-host niya sa lunchtime show ng ABS-CBN.

Pero, okey lang daw ito kay Anne dahil naiintindihan niya na ang mga lalaki, mas marami tala­gang tsika moment kapag nagkakaroon ng chance.

Samantala, isang magandang contestant naman sa It’s Showtime ang tila na-attract kay Ryan dahil kahit pabiro ang jokes nito towards sa contestant, parang totoong hinaluan ng biro para naman hindi obvious on cam.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy