Una sa Balita

Pimentel at Trillanes nagpatalbugan sa batas

By
0 2,339

NAGSAGUTAN sa kani-kanilang interpretas­yon sa batas sina Senate­ President Aqui­lino ‘Koko’ Pimentel III at Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV.

Ito ay may kaugna­yan sa plano ni Pimentel na sumabak sa senatorial elections sa Mayo 2019.

Sinabi ni Trillanes na sariling paniniwala lamang ni Pimentel na maaari pa siyang kumandidatong muli sa pagka-senador.

Abante Hiring – IT dep

Minaliit naman ni Pimentel si Trillanes sa pagsasabing nagmamarunong ito gayung hindi naman abogado.

Una nang nag-de­bate ang dalawa sa pahayag ni Trillanes na walang bisa ang pagkalas ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte sa Rome Statute na bumuo sa International Criminal Court (ICC) dahil kailangan pa itong paaprubahan sa Senado.

Iginiit naman ni Pimentel na wala sa Kons­titusyon ang sinasabi ni Trillanes.

Binigyang-diin ni Trillanes na ‘implied’ o natural nang dapat ay aprub ng Senado ang pagkalas sa ICC dahil nakasaad sa Konstitusyon na kailangang may pagsang-ayon nila ang pagratipika ng Malacañang sa tratado gaya ng Rome Statute.