Una sa Balita

Piloto, estudyante hinahanap sa karagatan ng Bataan

By
0 404

NAGSASAGAWA ngayon ng search and rescue operation ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) para hanapin ang isang instructor pilot at estudyante nito na kapwa Indian national matapos na bumagsak ang sinasakyang eroplano noong Martes sa karagatan ng Bataan.

Sa inisyal na impormasyong ibinigay ni Bong Menezes, sakay umano ng single type engine aircraft na may tail number RPC-2724-152 at ino-operate ng Flight Line Aviation School sina instructor pilot Captain Navern Nagaraja at ang kanyang estudyante na si Kuldeep Singh, kapwa Indian national.

Nalaman na ang nasabing aircraft ay umalis sa Subic para magtungo sa Plaridel, Bulacan pero hindi ito duma­ting sa inaasahang oras.

Nang matanggap ang impormas­yon kaagad na idinispatch ng PCG ang MRRV-4401 (BRP Tubbataha) sa vicinity waters 10.16 nautical miles silangan ng Orion, Bataan at ang FPB-2401 (BRP Boracay) ay pinapunta naman sa bisinidad ng karagatan ng Samal Island, Bataan para magsagawa ng search and rescue (SAR) operations.

Habang, isinusulat ang balitang ito patuloy pa rin ang paghahanap ng PCG.

Nagpalabas na rin ng ‘Notice to Mariners’ at nag-isyu ng alerto sa mga barkong dadaan sa lugar sa posibilidad na makita ang mga biktima.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy