Pilipino singer bumida sa New York billboard

Bumida ang singer na si Zack Tabudlo nang mailagay sa digital billboard sa Times Square sa New York, United States of America.
Nalaman na si Zack, na nagpasikat sa hit song na ‘Binibini’, ay napasama sa 10 Global Spotify Radar Artists.
Itinampok din siya sa Rolling Stone magazine bilang isa sa ‘international hitmakers’.
“I never imagined myself in a situation like this. In all my years of becoming a musician, this never passed my mind. I never thought this would be possible,” emosyunal na pahayag ni Zack sa Instagram habang binibida ang larawan niya sa Times Square.
“A lot of doubts, struggles, and anxiety, goes into the process of reaching your dreams. I can now say that nothing is impossible,” dagdag niya.
Sunod-sunod ang pasasalamat ni Zack, kabilang sa kanyang fans.
“And of course, to the fans! Won’t be here without you. I love all of you so much. We’re in Times Square!!!!! Let’s go global baby!!!!!”
Nabatid na 12-anyos pa lamang si Zack nang magsimula niyang ipakita ang kanyang talento sa pamamagitan ng pagkanta ng ‘Sunday Morning’ ng Maroon 5.
Noong 2014 naman, nag-audition siya sa The Voice Kids Philippines at nakuha niya ang atensiyon ni coach Bamboo dahilan para maging madali sa kanya ang pagpasok sa Top 54 ng nasabing timpalak. (Juliet de Loza-Cudia)