Una sa Balita

Pilipinas nasulot ng Korea sa ‘Olympic Qualifying’

0 253

HINDI na makakasali ang Gilas Pilipinas sa susunod na taong Olympic Qualifying Tournament matapos itong maungusan ng bansang Korea para sa tsansang makakuha ng silya sa 2020 Tokyo Olympics.

Nabigo ang Gilas Pilipinas na mahablot ang isang silya sa Olympic Qualifying Tournament para sa 2020 Tokyo Games matapos itong lampasan ng Korea sa pinakabagong resulta sa FIBA rankings sa pagtatapos ng World Cup 2019 sa Beijing, China.

Bigo ang Pilipinas na makasungkit ng panalo sa nakakadismayang kampanya sa World Cup kung saan tumapos ito sa pinakahuli sa 32-koponang torneo kung saan bigo ito sa tatlong laro sa pool play at dalawa sa classification phase na halos napag-iwanan sa average na 26.5 puntos.

Bagaman nanatili ito sa dating puwesto na ika-31 sa bagong FIBA rankings ay bigo naman ang Gilas na masungkit ang silya sa Olympic qualifiers matapos itong maungusan ng Korea na nagawang umakyat ng dalawang puwesto sa No. 30.

Ang pitong nanguna sa World Cup sa apat na FIBA, sa pangunguna ng nagkampeon na Spain ay awtomatikong nakasungkit ng sila sa 2020 Olympic basketball tournament kasama ang host Japan.

Ang anim na iba ay Argentina, Australia, France, Iran, Nigeria at USA.

Kabuuang 24 na bansa naman ang nabigyan ng awtomatikong pagkakataon sa Olympic Qualifying Tournament na nagrerepresenta sa Africa, Asia, Americas at Europe. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy