Una sa Balita

PILIPINAS-IRAQ BALYAHAN NGAYON

By
0 87

Mga laro ngayon: (Nouhad Nawfal Stadium)
6:30 p.m. — Qatar vs. China
9:00 p.m. — Philippines vs. Iraq
11:30 p.m. — India vs. Jordan
2:00 a.m. — Syria vs. Iran

Pagrarambulan ng ­Gilas Pilipinas at Iraq hindi lang ang Group B top spot, kundi ang pag­lapit sa outright quarterfinals sa quadruple bill sa Day 4 ngayon ng 29th International Basketball Fede­ration (FIBA) Asia Cup 2017 preliminaries sa Nouhad Nawfal Stadium sa Beirut, Lebanon.

Parehong galing sa nakakagulantang at maemosyong panalo kamakalawa — ang Pilipinas (1-0) sa mortal na karibal na defending champion China (0-1) 96-87, at ang Iraq (1-0) sa Qatar (0-1), 75-66 — magpapanagpo sa mapisikal at maintensidad na sultada ang ­dalawa sa alas-nuebe ng gabi ­(Manila time).

Sa 6:30 p.m. muna ang hamukan ng Chinese at Qataris, sa 11:30 p.m. ang Jordan (1-0)-India (0-1) at sa 2:00 a.m. na ang Iran (1-0)-Syria (0-1).

Kakadagan lang ng Filipino quintet sa Iraqis noong Hulyo 24 sa 39th Jones Cup sa Taiwan, 84-75, kung saan karamihan sa Nationals ay Cadets squad members.

Kaya patok ang regular Phil team sa Iraqis sa pagkakataong ito. Pero si Demario Mayfield pa ang naturalized player noon at ngayon ay ang beterano at agresibong si Kevin ­Galloway na.

Nangangahulugan na hindi dapat ­magpabaya o magpetiks ang Phil. squad sa mapanganib pa ring Iraq, may bentahe sa height sa average na 6-foot-5 kumpara sa mga Pinoy na may 6-3 at pantay naman angmagkabila sa average  age na 28 years old.

Sobrang tapang, intensidad at determinasyong lumaban ang PH 5 sa kabila nang kakulangan sa tao, preparasyon at pagkadehado upang mapabagsak ang Mainladers noong Miyerkules sa pagtutulungan ng lahat.

Lalo na sina Terrence Romeo, na bumanat ng walong puntos sa naging pangitil na 12-0 blitz ng bansa sa huling apat na minuto at magulantang ang Chinese, nakabentahe pa nang pinakamalaki na nilang tatlong puntos sa laro tapos mahabol ang tatlong beses nilayo ng Nationals na 17-point lead.

Nakatapos si Romeo na may 26 points, 15 si naturalized player Christian Standhardinger, 13 si Jayson Castro at 12 si Matthew Wright. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy