Una sa Balita

Pilipinas ESET Go bagong motorcycle taxi

0 610

Mainit na usapan ngayon ang mga alternatibong mass transport na tinatawag na motorcycle taxi. Kamakalawa, isa pang kompanya ang opisyal na nagbukas sa kabila naman ng nalalapit na pagtatapos ng ibinigay na provisionary permit ng Department of Transportation (DOTr).

Ito ay matapos na ipakilala sa mga mamahayag ang kanilang kompanyang Pilipinas ESET Go.

Inamin ng chief executive officer nito na si John Alexis Revilla na kailangan pa nilang maghintay ng pinal na desisyon ng pamahalaan kung kailan mabibigyan ng prangkisa ang operasyon ng mga motorcycle taxi sa bansa.

Nakatakdang mapaso sa pagtatapos ng taong 2019 ang anim na buwang pansamantalang permit na ibinigay sa naunang ‘motorcycle-ride hailing app company’ na Angkas.

Ayon kay Revilla, handa silang tumugon sa anumang kautusan ng pamahalaan at ng korte ukol sa isyu.

Ngunit habang hindi nareresolba ito, maaari ring mag-operate ang ESET Go ng negosyo sa padala (delivery) at pabili (food) habang may bago rin silang iaalok na ‘pabayad’ kung saan maaaring umarkila ng rider ang isang kostumer para magbayad ng kanilang bills ng kuryente, tubig, internet at maging credit card.

Plano rin umano ng kompanya na maningil ng pinakamurang pasahe sa motorsiklo at magbigay ng sari-saring benepisyo sa kanilang mga biker kabilang ang insurance, referral bonus, at mga safety training. (Armida Rico)

Lilimitahan ang tatanggaping mga bikers sa edad na 40-anyos upang matiyak na nasa maayos na kalusugan ang kanilang mga tsuper habang magkakaroon umano sila ng ‘customer service call center’ para tumanggap ng reklamo buhat sa mga pasahero laban sa mga abusadong bikers.(Armida Rico)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More